National Children’s Month, suportado ng MPD

National Children’s Month, suportado ng MPD

November 14, 2022 @ 12:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Suportado ng pamunuan ng Manila Police District ang pagbibigay kahalagahan sa mga bata sa komunidad.

Sa pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong Nobyembre namahagi ang MPD sa pangunguna ni MPD Director P/Gen.Andre Dizon ng mga laruan sa mga batang mahihirap.

May temang “Kalusugan, Kaisipan,Kapalaran ng Bawat Bata ating Tutukan” ang aktibidad.

Bukod sa gift-giving, namahagi din ng pagkain ang nasa mahigit kulang 100 daang mga bata kasama ng kanilang mga magulang, ayon kay MPD-PIO Major Philipp Ines.

Ginanap ang aktibidad sa compound ng MPD headquarters ngayong umaga.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Department of Education (DepEd) , Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2022 National Children’s Month sa bansa na may hashtag #BuwanNgMgaBata, #2022ChildrensMonth. Jocelyn Tabangcura-Domenden