National costume ni Herlene, na-chop-chop, nagkaaberya!

National costume ni Herlene, na-chop-chop, nagkaaberya!

November 7, 2022 @ 9:13 AM 4 weeks ago


Kampala, Uganda- Habang sinusulat ito’y nasa Uganda na si Herlene Budol bilang kinatawan ng bansa sa Miss Planet International na gaganapin doon sa November 19.

Pero pinaghalong lungkot at pagkadismaya ang naramdaman ni Herlene dahil nagkaroon ng aberya sa kanyang isusuot na national costume.

Ayon sa mga airport authorities, oversized daw ang nasabing kasuotan.

Bilang remedyo raw ay kinailangang baklasin ang kahong naglalaman ng costume.

Wala raw choice ang kampo ni Herlene at pumayag na ring i-chop-chop ito.

Kaso, naiwan daw ang pinaka-body ng costume at hindi nakasama sa eroplanong patungong Uganda.

Pangako ng mga kinauukulan sa airport ay makakaasa si Herlene na darating ang kabuuan ng costume bandang hatinggabi nitong November 5.

Pero alas dos y medya na raw nang madaling araw ay naghihintay pa si Herlene sa pagdating nito.

Matatandaang nitong August naiulat na si Herlene ang kakatawan sa bansa sa nasabing international pageant.

Herlene finished first runner-up in this year’s Binibining Pilipinas.

She also got the most number of special awards.

Good luck, Herlene! Ronnie Carrasco III