National costume ni Hipon Girl, halaw sa higantes festival!

National costume ni Hipon Girl, halaw sa higantes festival!

July 17, 2022 @ 11:08 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Tunay ngang ipinagmamalaki ni Nicole Budol a.k.a. Hipon Girl ang kanyang pinagmulan: ang Angono.

Kaya naman inspired ng Higantes Festival ang sinuot niyang national costume sa sinalihang Binibining Pilipinas ngayong taong ito.

Kilala ang bayan ng Angono sa Rizal sa taunang pagdiriwang ng Higantes Festival.

Isineselebra ito tuwing ikatlong Linggo ng buwan ng Nobyembre.

Kaya naman ang pambansang kasuotan ni Nicole ay pinturadong kapa at headpiece.

Ang bodysuit naman niya ay binubuo ng mga gold at orange crystals na sumisimbolo ng katawagan sa kanya bilang Hipon Girl.

Si Willie Revillame ang nagbigay ng bansag sa kanya bunsod ng pagsali nito sa isang segment ng programang Wowowin na dating umeere sa GMA.

Kinuha ring co-host ni Willie si Nicole na naging daan nito sa showbiz bilang artista.

Dati nang tinanghal na Binibining Angono si Nicole bago pumasok sa showbiz.

Ang Angono ay kilala ring art capital ng bansa.

Ang Higantes Festival ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng parada ng mga higanteng gawa sa papier mache, kawayan at aluminum.

Pinaniniwalaan ding naglakad noon ang mga higante sa nasabing bayan.

Samantala, target ni Nicole ang Miss Grand International sa nalalapit na coronation night.

Kamakailan, binigyan siya ng house and lot ng manager niyang si Wilbert Tolentino. Ronnie Carrasco III