National ID, hindi sapilitan – PSA

National ID, hindi sapilitan – PSA

August 8, 2018 @ 5:28 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi magiging sapilitan o mandatory ang pagrehistro sa Philippine National Identification System (PhilSys).

Ayon kay PSA National Statistician and Civil Registrar General, Undersecretary Dr. Lisa Grace Bersales, na hindi pipilitin ang sinuman kung ayaw nitong kumuha ng naturang Phil ID.

Iyon nga lamang ay mas mahihirapan ang walang national ID kapag makikipagtransaksiyon ang mga ito sa mga ahensiya ng gobyerno.

Layunin kasi aniya ng national ID system ay mapabilis ang mga government transaction.

Sa kabilang dako, siniguro naman ng PSA na hindi magagamit ang mga pribadong impormasyong nasa Phil ID dahil maaari lamang itong ibahagi sa iba kung may basbas mula sa may-ari at kung ipag-uutos ng korte.

Matatandaang, may ilang grupo ang hindi pabor sa pagsasabatas sa National ID system sa pangambang baka makompromiso ang kanilang privacy at magamit sa hindi maganda ang kanilang mga private data. (Kris Jose)