National inter-school TKD event, sisipa

National inter-school TKD event, sisipa

September 28, 2022 @ 4:46 AM 2 months ago


MANILA, Philippines — Sasabak ang pinakamahuhusay at pinakamatalinong taekwondo jins sa collegiate level sa pagsiklab ng Philippine Taekwondo Association (PTA) event na 2022 Smart/MVP Sports Foundation National Inter-School Taekwondo Championships ngayong weekend sa Ayala Malls Manila Bay.

May dalawang kategorya ang kumpetisyon – ang Novice at Advance – na may limang dibisyon bawat isa (Seniors, Juniors, Cadet, Grade School at Toddler) na lalaruin nang hiwalay para sa mga lalaki at babaeng kalahok.  Magkakaroon din ng Team, Pair at Individual Poomsae competitions para sa mga estudyanteng may kulay at blackbelt.

Nasa 2,000 jins mula sa PTA-affiliated schools sa buong bansa ang kumpirmadong lalahok sa event na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).

Sisipa ang kompetisyon sa ganap na ika-9 ng umaga.

Kabilang sa mga kalahok na paaralan at unibersidad ay ang Ateneo de Manila, Sto. Tomas, St. Paul Pasig, Diliman Preparatory School, Emilio Aguinaldo College, La Salle, University of the East, National U at UP-Diliman.JC