National land use law, isinusulong sa Kamara

National land use law, isinusulong sa Kamara

November 2, 2022 @ 11:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng kung saan marami ang nasawi sa Mindanao, isang panukala ang inihain ni Davao Rep. Paolo Duterte na nagsusulong na magkaroon ng polisiya sa tamang paggamit ng lupa sa buong bansa bilang proteksyon sa mga komunidad lalo na sa epekto ng climate change.

Ayon kay Duterte, ang nangyari sa Maguindanao kung saan marami ang nasawi bunsod ng landslides ay patunay na may direktang epekto ang tamang pagpaplano sa tamang paggamit ng lupa para makasalba ng buhay sa panahon ng kalamidad.

“Given the country’s approximate land area of 300,000 square kilometers, there is a need for a comprehensive and responsive land use policy to address the impact of deforestation and urbanization on food, housing, business, health and the environment,” paliwanag ni Duterte.

Sa isinusulong na House Bill 3956 ay ipinapanukala nitong maglatag ng malinaw na patakaran sa paggamit ng lupa sa pamamagitan ng pagtatag ng National Land Use Policy.

“This bill outlines land use policies to determine areas allocated for agricultural production, housing and settlements, energy development, industries and other economically productive sites, and protected zones for environmental sustainability,” paliwanag nito.

Snabi pa ni Duterte na isa sa magandang maidudulot ng National Land Use Act ay proteksyon laban sa epekto ng mga kalamidad.

“We often mention the National Land Use Act in the context of ensuring food security by, for one, preventing the conversion of agricultural lands to housing and commercial projects. But the rational and efficient planning and use of our land resources is also vital in ensuring that we get to identify high-risk and danger-prone locations in our communities,” pahayag nito.

“Priority shall be given to life and safety, and thus to identifying hazard prone areas and corresponding risk reduction measures as part of the disaster risk reduction and climate change adaptation objective.” dagdag pa niya.

Umaasa ang mambabatas na ang ganitong mga panukala ay bibigyang prayoridad na maaprubahan agad ng Kongreso upang matiyak ang kahandaan ng bansa laban sa epekto ng climate change.

Aniya, sa oras na maisabatas ito ay aatasan ang mga local government units (LGUs) na balangkasin ang kanilang climate-resilient development plan gayundin ay aatasan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang government agencies na regular na tukuyin ang hazard prone at vulnerable areas sa bansa.

“These maps shall be shared and disseminated to LGUs which shall subsequently guide them in the preparation of their own hazards-constrained development and physical framework and land use plans,” nakasaad sa panukala.

Sa ilalim ng panukala ay bubuo ng National Land Use Policy Council (NLUC) na syang magsisislbing policy-making body sa lahat ng usapin pagdating sa land use at management, pamumunuan ito ng kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA). Gail Mendoza