National Museum binigyan ng ‘panibagong buhay’ ng Senado

National Museum binigyan ng ‘panibagong buhay’ ng Senado

August 7, 2018 @ 4:35 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Binigyan ng panibagong buhay ng Senado ang National Museum upang sumigla ang tungkulin nito bilang pangunahing taga-ingat ng Filipino heritage sa pamamagitan ng pagpapatingkad sa pangangailangan nito sa operasyon.

Kahapon, pinagtibay ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong patingkarin ang papel ng National Museum sa pagpapahalaga at pagtataguyod ng ating Kultura.

Nakakuha ng botong 21 affirmative votes, zero negative votes at walang abstention ang Senate bill No. 1529 na inakda ni Senador Chiz Escudero.

Co-sponsor naman sa panukala sina Senador Loren Legarda at Joseph Victor “JV” Ejercito, at co-authored naman ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri.

“Layunin ng panukala na payagan ang National Museum na i-retain at gamitin ang sariling kita nito na nakakalap sa kanilang operasyon sa buong bansa at sa abroad.

Sinabi ni Escudero na bibigyan ng kaluwagan ang Museum na gamitin at kumalap ng kita mula sa mga donasyon sa pribadong sector at national government upang pondohan ang sarili nitong pagpapaunlad.

Kikilalanin bilang kita ang mga collectible items nito mula sa mga donasyon kabilang ang inheritance tax deductions base sa tinatayang market value parktikular ang  mga bagay na ikinokonsidera bilang may kahalagahang pambansa at kabilang ang mga mahahalagang cultural properties o national cultural treasures sa ilalim ng umiiral na batas.

Pinapayagan ng bagtas ang Museum na gamitin ang pondong ito bilang pambili ng kagamitan at collection items. Maliban sa mga special activities, programs at aktibidades, inaatasan ang museum na huwag maningil ng admission fees.

Tiniyak naman ni Legarda na palalakasin nito ang Anti-Forgery Unit ng National Museuam upang protektahan ang mga national artists at Filipino artists laban sa pamememeke.

“Whether it is a Amorsolo or Ben Cabrera, or any Filipino artists, their art works and masterpieces must be protected, both in law and practice. As Finance Committee Chair, I will make sure that the necessary funds for the Anti-Forgery Unit will be in place,” ayon kay Legarda.

Sa ilalim ng naturang batas, isinailalim sa pagmamay-ari at pamamahala ng National Museum ang Old Congress or Legislative Building, ang Department of Finance at  Department of Tourism, lahat na nasa Agrifina Circle sa Manila, na siyang magiging permanenteng lugar ng museo at magiging bahagi ng National Museum of the Philippines Complex.

Kabilang sa Museum complex ang kabuuan ng  Rizal Park, the National Planetarium, Gomburza monument at plaza,  golf course of Intramuros, ayon sa panukala. (Ernie Reyes)