National Museum muling bubuksan sa publiko ngayong Martes

National Museum muling bubuksan sa publiko ngayong Martes

July 5, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Muling bubuksan sa publiko ang National Museum of the Philippines Complex sa Maynila.

Sa abiso ng museum, bubuksan ito ngayong Martes, Hulyo 5, matapos pansamantalang isara sa publiko para sa inagurasyon ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr noong Hunyo 30.

Maaring bumisita mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon. Hindi na kailangan ng reservation at libre din ang admission.

Gayunman, alinsunod pa rin sa anunsyo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) na isailalim sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR), ang National Museum ay tatanggap pa rin ng walk-in visitors.

Maari ding mag-book ng mas maaga sa https://reservation.nationalmuseum.gov.ph/ kung saan pinahihintulutan lamang ang grupo ng 20 hanggang 30 indibidwal.

Kailangan lamang ay ganap na nabakunahan ang mga papasok sa museum.

Ang mga batang hindi bakunado ay dapat samahan ng bakunadong nakatatanda.

Kailangan pa rin ng patunay na nakatanggap na ng bakuna at pagkakilanlan ang bibisita sa pambanasang museo.

Ang mga ipinatupad na safety protocol ay susundin pa rin tylad ng temperature check bago pumasok, pagsusuot ng facemask, social distancing at ang makikitaan ng simtomas ng COVID-19 ay hindi papayagang makapasok. Jocelyn Tabangcura-Domenden