National prison sa lahat ng rehiyon, target ng BuCor

National prison sa lahat ng rehiyon, target ng BuCor

November 27, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Target ng Bureau of Corrections ang pagpapatayo ng mga national prisons sa bawat rehiyon ng bansa.

Ito ay bahagi ng pangmatagalang solusyon sa dekada nang problema sa piitan.

Ayon kay Gregorio Catapang Jr., acting director general ng BuCor, posibleng simulan na sa susunod na taon ang regionalization plan na layong mapaluwag ang New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sa ulat, overcrowding ang itinuturong dahilan ng maraming mga problema sa Bilibid kasama na ang high mortality rate sa mga preso.

Mayroong 29,204 na inmates ang NBP na itinuturing na pinakamalaking mega prison sa buong mundo, na para lamang sana sa 6,435 na preso.

Uunahin sa konstruksyon ng mga regional prisons ay ang pagpapatay sa proposed BuCor facility sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Makatutulong ayon kay Catapang ang pagtatayo ng national prison sa bawat 17 na rehiyon ng bansa.

“[With regional prisons], inmates can be easily visited by their relatives. They can also be reintegrated to society faster since they will just return to their communities. And last, while we do not want it, once the inmates die, their bodies can be easily claimed by their families. No more “tawid-dagat” needed,” paliwanag niya. RNT/JGC