National roadmap sa pagpapalakas ng generics industry, inilunsad ng DOH

National roadmap sa pagpapalakas ng generics industry, inilunsad ng DOH

September 28, 2022 @ 7:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ng DOH ngayong Miyerkules ang national roadmap para palakasin ang local generics industry at isulong ang mas magandang access sa mga gamot para sa mga Pilipino.

“Today, we announce the launching of the new Philippine Medicines Policy for 2022-2030, which will guide and align efforts toward sustainable access to quality and affordable essential medicines and a reduction of health out-of-pocket spending for Filipinos, which is congruent with the objectives of the Universal Health Care Law,” sabi ni Vergeire sa isang pahayag.

Nilalayon ng PMP na magbigay ng mga estratehiya at balangkas para sa mas mahusay na pag-access sa mga gamot.

Naglalaman ito ng anim na pangunahing haligi sa ACCESS, katulad ng:

A-ssurance of Safety, efficacy and quality
C-ollaboration on availability and affordability
C-ommitment to the rational use of medicines
E-ffective networking, partnerships and governance
S-ustainable financing for medicines
S-trengthening health systems

Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang lokal na industriya, ang DOH kasama ang Department of Trade and Industry at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno, ay bumuo ng participatory roadmap upang gabayan ang bansa sa pagbuo ng mas mapagkumpitensyang sektor ng parmasyutiko sa bansa.

Sinabi ng DOH na ang roadmap ay naglalayong pataasin ang kapasidad ng mga lokal na manufacturers upang makagawa ng 60 porsiyento ng mga rehistradong gamot sa bansa at maging pangunahing producer ng mahahalagang gamot sa 2030. Jocelyn Tabangcura-Domenden