National standard emergency protocol lilikhain ng Senado

National standard emergency protocol lilikhain ng Senado

March 11, 2023 @ 2:50 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang lumikha ang Senado ng national standard emergency protocol sa pamamagitan ng panukalang Emergency Medical Service System (EMSS) at pagtibayin ang protocol sa panahon ng natural at manmade disasters.

Nakatakda sa Senate Bill No. 1973 o ang Emergency Medical Services System Act, inaatasan ang gobyerno na gawing institusyunal ang isang kumprehensibo, accessible, integrated at standard system sa anumang emergency medical services at i-maximise ang kapabilidad at potensiyal ng medical personnel.

Binanggit ng panukala ang 2022 World Risk Reports na nagpapakita na ang Pilipinas kasama ang India at Indonesia sa mayroon pinakamataas na overall disaster risk.

Tinasa ng report ang 193 bansa hinggil sa kanilang banta sa karanasan ng kalamidad o vulnerability sa matinding natural events tulad ng lindol, tsunamin, baha at tagtuyot.

“A competent and standardized emergency medical service system is essential to the health care system of a country. Its goal is to provide emergency medical care to all who need it,” ayon sa explanatory note.

“The availability of EMSS include rapid assessment, timely provision of appropriate interventions, and prompt transportation to the nearest appropriate health facility by the best possible means to enhance survival, control morbidity, and prevent disability,” giit pa ng panukala.

Sakaling maipasa ang panukala, sinabi dito na maghahawan ng paraan ang isang organisadong pagtugon sa anumang uri ng medical o trauma emergency na may sapaat na kagamitan at skilled professional kaya matitiyak ang kaligtasan ng pasyente.

Layunin din ng panukala ang paglikha ng isang National Emergency Medical Services Systems Council sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government; paglikha ng national Emergency Medical Services System Council; magpaunlad ng emergency medical services system sa nasyunal, rehiyunal at local na antas ng gobyerno, at gamitin ang 911 bilang Nationwide Emergency Hotline Number. Ernie Reyes