National Youth and Schools Chess Champioship sisipa na

National Youth and Schools Chess Champioship sisipa na

September 16, 2022 @ 1:26 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Magbubukas ang National Youth and Schools Chess Championships sa Sabado kung saan ang ilan sa mga nangungunang kabataang manlalaro ng bansa sa pamumuno nina Christian Gian Karlo Arca at Ruelle Canino ay maglalaban para sa kampeoanto sa Dapitan City Cultural Center sa Zamboanga del Norte.

Si Arca, na nagmula sa Panabo, Davao del Norte, ay umaasa magtutuloy-tuloy ang momentum nang pagharian ang GM Rosendo Balinas, Jr. Kiddies Rapid tournament sa Mandaluyong mahigit isang linggo na ang nakararaan sa kanyang pagsabak sa open 13-and-under section.

Habang si Canino, tubong Cagayan de Oro, sa kanyang bahagi, ang dapat na abangan sa girls’ 15-and-under matapos pumangalawa sa national ladies juniors event sa PACE noong nakaraang taon.

Sina Jeremiah Cruz at Janmyl Dilan Tisado, samantala, ang mangunguna sa premier open 17-and-under division habang sina Rhea Jean Canino at Shaina Magne Romanillos ay kabilang sa big guns sa girls’ 17-and-under side sa walong araw na event na ito. ni Dapitan City Mayor Seth Frederick “Bullet” Jalosjos.

Humigit-kumulang isang daang kalahok ang nakapasok sa finale kasama ang ilang kilalang entry tulad ni April Joy Claros, na inaasahang hamunin si Cabnino sa girls’ 15-and-under class.

Bukod kay Jalosjos, inaasahang dadalo sa pagbubukas sina Grandmaster Eugene Torre, National Chess Federation of the Philippines president/chair Butch Pichay at chief executive officer GM Jayson Gonzales at host city tourism chief Apple Marie Agolong.

Sinabi ni Gonzales na ang mga mananalo dito ay magkakaroon ng pagkakataon na kumatawan sa bansa sa mga international age group meets.

“Ang aming layunin sa NCFP ay makabuo ng mga manlalaro at kampeon sa hinaharap na pambansang koponan,” sabi ni Gonzales.

Ang International Arbiter na si Reden Cruz ang tatakbo nitong FIDE-rated tournament.JC