Nationwide ‘academic break’ imposibleng ideklara – DepEd

Nationwide ‘academic break’ imposibleng ideklara – DepEd

January 13, 2022 @ 9:58 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Hindi puwedeng ideklara ng Department of Education (DepEd) ang inihihirit na nationwide “academic break” sa kabila ng mataas na bilang ng mga mag-aaral at guro na mayroong flu-like symptoms o nagpositibo sa Covid-19.

Ang komento ng DepEd ay matapos na manawagan ang isang grupo ng mga guro sa pamahalaan na magdeklara ng two-week “health break” sa mga eskuwelahan na nasa ilalim ng Alert Level 3 gaya ng National Capital Region kung saan ay 55.1% ng 7,448 public school teachers ay may sakit, ayon sa survey.

Sa isang online media forum, tinukoy ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na ang Covid-19 situation ay iba-iba sa bawat parte ng bansa kaya’t hindi maaaring magdeklara ng nationwide “academic break” ang DepEd.

“Kung ano iyong sitwasyon sa Covid-19 ay dapat may angkop na aksiyon ang ating mga principal, mga school superintendent,” anito.

Idinagdag pa nito na ang payo ng Department of Health ay kailagan kapag nagdeklara ng “academic break” dahil sa health concerns.

Bilang konsiderasyon sa situwasyon ng mga mag-aaral lalo na sa mga pampubikong paaralan, sinabi ni San Antonio na maaari lamang magpatupad ng “academic ease” policy kung saan ang mga requirements ay maaaring isumite pagkatapos o may certain learning module activities ang maaaring ikunsiderang opsyonal.

Ang mga public schools na nais na mag-“take a break”ay kailangan na mag-adjust para ma- meet ang bilang ng mga school days para sa academic year.

May ilang higher education institutions at private schools ang nagsuspinde ng kanilang klase para sa loob ng dalawang linggo simula Enero 10 dahil karamihan sa kanilang mga estudyante at mga guro ay nakararanas ng flu-like symptoms. Kris Jose