Nat’l cholera response plan pinaplantsa ng DOH, IACEH

Nat’l cholera response plan pinaplantsa ng DOH, IACEH

January 16, 2023 @ 7:04 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinulong ni Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang Inter-Agency Committee on Environmental Health (IACEH) upang talakayin ang sama-samang pagtugon sa Cholera at matiyak ang ligtas na maiinom na tubig sa bansa.

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang sama-samang pagtugon ng mga National Government Agencies at tinukoy ang mga hakbang sa pagkilos para ipatupad ang national cholera response plan, ang iminungkahing drinking water seal, at ang mga inter-agency campaigns para mabawasan ang kolera sa bansa.

“This is a pivotal step for all of us to follow through on what we have started and ensure that there is progress in our fight against cholera. Malaki ang papel ng iba’t ibang sangay ng gobyerno sa pagsugpo sa cholera sapagkat hindi lamang health factors ang nakakaapekto sa paglaganap ng sakit na ito.”

“On the contrary, it is primarily driven by non-health determinants such as environment, occupation, socio-economic background, and education among others. Knowing this, the DOH, together with other IACEH member agencies, pledge to continuously implement the necessary interventions to prevent and control the increase in cases,” paliwanag pa ng OIC. Jocelyn Tabangcura-Domenden