Nat’l Climate Change Summit suportado ng Pitmaster Foundation  

Nat’l Climate Change Summit suportado ng Pitmaster Foundation  

September 19, 2022 @ 2:46 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines-Suportado ng Pitmaster Foundation ang National Climate and Disaster Emergency Forum na gaganapin sa Huwebes, Setyembre 22, sa Discovery Primea Hotel sa Makati.

Ang forum ay inaasahang dadaluhan ng ilan sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na kinabibilangan nina Finance Sec. Benjamin Diokno, National Economic and Development Authority Director-General Arsenio Balisacan, Energy Sec. Raphael Perpetuo Lotilla, Climate Change Commission Sec. Robert Borje, at DENR Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga.

Dadalo rin sa summit sina University of the Philippines President Danilo Concepcion at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.

Si Albay Rep. at climate police expert Joey Salceda ang magsisilbing guest speaker sa okasyon.

Bago ito ay nagbigay ng suporta ang Pitmaster Foundation na pinamumunuan ng negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang  sa ilang environmental rehabilitation efforts ng local government unit ng Siniloan, Laguna at Real, Quezon sa pamamagitan ng financial, logistical at staff support para sa naturang forum.

Sponsors din sa forum ang tanggapan ni Rep. Salceda, ang Local Climate Change for Adaptation and Development, 4K Foundation, Komunidad,  UP Resillience Institute at ang Project Noah.

Sa isang press release ay bigyang-diin ni Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz ang kahalagahan ng ganitong  pagtitipon.

“Green solutions are atop our concerns in Pitmaster Foundation. Our partners and partner communities are affected by climate issues. So, we want solutions that will both create growth and solve our climate problems,” wika ni Cruz.

Ang Pitmaster Foundation ay kaisa sa mga ganitong adhikain at makaaasa ng buong suporta  para maisulong ang mga climate policies para sa bansa, lalo na pagdating sa community adaptation and renewable energy.

“We are proud to have engaged in environmental conservation since early in our founding as a non-profit organization. This is a continuation of that commitment.”

“With our support, we hope the climate forum will result in policy proposals and productive collaborations. We really wanted to get all the major decisionmakers together to exchange ideas, learn from each other, and find ways to solve our climate crisis.”

Ang mabubuong mga rekomendasyon sa gaganaping climate summit ay ipadadala sa tanggapan ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong‘ Marcos Jr. para pag-aralan at makatulong sa mga ipatutupad na polisiya ng pamahalaan sa darating na mga panahon. RNT