Nat’l COVID-19 positivity rate sumampa sa 10.9% – OCTA

Nat’l COVID-19 positivity rate sumampa sa 10.9% – OCTA

July 14, 2022 @ 8:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sumampa na ang nationwide COVID-19 positivity rate sa 10.9 porsyento, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Miyerkules.

Batay ito sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules kung saan makikita ang karagdagang 1,604 impeksyon, at 14,862 aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

“14,862 active cases, 1.9% nationwide positivity rate. 637 cases in NCR [National Capital Region, or Metro Manila]. Projecting 2,400 cases 7.14.22,” ani David sa COVID-19 update sa Twitter.

Dahil dito, ang positivity rate ng bansa ay doble na ng ideal positivity rate benchmark ng World Health Organization na 5 porsyento.

Ang kasalukuyang currnt positivity rate ay mas mataas din kumpara sa national positivity rate na naiulat ng DOH nitong Lunes, 9.5 porsyento. RNT/SA