Nat’l gov ‘all ears’ sa kailangan ng LGUs – PBBM

Nat’l gov ‘all ears’ sa kailangan ng LGUs – PBBM

February 23, 2023 @ 9:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Local Government Units (LGUs) na “all ears” ang national government at hindi magtetengang-kawali sa mga concern ng mga ito.

“Napakahalaga na kami dito sa national government ay nakikinig sa inyo. Asahan ninyo na dito sa administrasyong ito ay nakabukas lahat ng aking pandinig upang marinig kung ano ang pangangailangan ng ating mga local officials at kung anoman ang ating magagawa upang solusyunan ang mga problema na hinaharap ninyo,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang general assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Manila Hotel.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo ang mahalagang gampanin ng LGUs sa pagtulong sa national government na palakasin ang Philippine economy.

“You are the experts about your municipality. You are the most aware of the problems that you have. You are also the most aware of the possible solutions,” ayon sa Pangulo sabay sabing “And again, the growth of our economy, the transformation of our economy will always start from the ground level.”

Sa kabilang dako, may inilaan na P16.5 bilyon sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF), maliban sa P820.3-billion automatic appropriations bilang bahagi ng share para sa LGUs mula sa national tax collection, na gagamitin para palakasin ang lokal na pamahalaan sa paghahatid ng kanilang “devolved services.”

Ang LMP 2023 General Assembly, may temang “Strengthening Municipal Capabilities Around Autonomy and Fostering Resiliency”, binibigyang diin ang ibat ibang hamon na kinahahaharap ng municipal mayors, at ang planong mapabuti at mapahusay upang mas maging epektibo ang service delivery sa kanilang lokalidad. Kris Jose