Nat’l holiday idedeklara ng Malakanyang sa Mayo 3 bilang pakikiisa sa Eid’l Fitr

Nat’l holiday idedeklara ng Malakanyang sa Mayo 3 bilang pakikiisa sa Eid’l Fitr

May 2, 2022 @ 6:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Idedeklara ng Malakanyang ang araw ng Martes, Mayo 3, 2022 bilang national holiday bilang obserbasyon sa pagtatapos ng Eid’l Fitr.

“Yes” ang naging tugon ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa isang text message kung idedeklarang national holiday ang nasabing petsa.

Unang inanunsiyo kasi ng Grand Mufti of the Bangsamoro Darul Ifta na magsisimula sa Mayo 2 ang Eid’l Fitr.

Sa ulat, isa ang Eid al Fitr sa dalawang pinakaimportanteng holiday ng mga Muslim.

Sa panahon ng Ramadan, nagpa-fasting ang mga debotong Muslim mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito bilang paggalang sa buwan kung saan ang Quran, ang holy text ng mga Muslim, ay na-reveal sa propetang si Mohammed. Ang Eid Al Fitr ay selebrasyon ng katapusan ng kanilang fasting.

Walang “fixed date” ang Eid Al Fitr, nagsisimula ito kapag lumabas na ang new moon.

Maaaring ibig sabihin nito ay hindi sabay-sabay mag-celebrate ang mga Muslim ng Eid Al Fitr.

Karamihan sa kanila ay sinusundan ang paglabas ng new moon sa Mecca, ang kanilang holy city, bilang reference.

Tumatagal ng halos tatlong araw ang holiday na ito.

Tuwing Eid Al Fitr, ang mga araw nila ay nagsisimula sa pagligo at pagsusuot ng bagong damit bago ang pagdarasal. Kris Jose