Nat’l ID hawak na ng mahigit 1.2M Pinoy

Nat’l ID hawak na ng mahigit 1.2M Pinoy

August 26, 2021 @ 12:17 PM 10 months ago


Manila, Philippines — Hawak na ng higit 1.2 milyong Pilipino ang kanilang national IDs o mas partikular na Philippine Identification (PhilID) card, batay sa National Economic and Development Authority.

Sa unang araw ng budget deliberations para sa proposed national budget ng 2022, sinabi ni  Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na nitong Agosto 20,  naisyu na ang 1,230,853 PhilIDs.

“Currently we have issued 1.2 million and our target is at least 50 million Filipinos with the PhilSys registered by the end of 2021,” ani Chua.

Makatutulong aniya ang PhilSys at posibleng maging kaagapay sa ‘efficient distribution’ ng COVID-19 vaccines sa publiko.

“The Land Bank of the Philippines is co-locating in PhilSys registration sites with the goal of opening bank accounts for all low-income families by the end of 2021,” punto pa ni Chua.

“That is our target—100% financial inclusion at the family level by the end of the year.” RNT/FGDC