Nat’l Museum gallery sarado sa pres’l inauguration

Nat’l Museum gallery sarado sa pres’l inauguration

June 5, 2022 @ 1:15 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara ang Fine Arts gallery ng National Museum of the Philippines simula bukas, Hunyo 6 upang bigyang-daan ang paghahanda para sa inagurasyon ng bagong Pangulo ng bansa.

“The National Museum of the Philippines is deeply honored by the official announcement of the choice of its National Museum of Fine Arts in Manila as the venue for the inauguration of the 17th President of the Philippines, Ferdinand Marcos Jr., on June 30, 2022,”ayon sa advisory ng National Museum of the Philippines.

Nagsilbi rin itong venue para sa inagurasyon nina Presidents Manuel L. Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), at Manuel Roxas (1946).

Ang museum Inauguration committee ay magkakaroon ng special preparations at arrangements para sa presidential activity, kaya naman, kailangan na pansamantalang isara ang National Museum of Fine Arts hanggang alas-9 ng umaga ng Hulyo 5, habang ang National Museum of Anthropology at National Museum of Natural History ay magpapatuloy naman ang regular operations nito “until further notice”.

“We apologize for any inconvenience, and express our thanks for your understanding,” ayon sa advisory sabay sabing “Everyone can be assured that we at the #NationalMuseumPH will do our utmost to support this forthcoming momentous event of the presidential inauguration.”

Sa ulat, pinili ng kampo ni Marcos ang National Museum of the Philippines sa Maynila bilang venue para sa inagurasyon dahil nag- matched ito sa kanilang requirements.

Ang National Museum of Fine Arts, ay matatagpuan sa old Legislative building sa kahabaan ng Padre Burgos Drive,ay isang National Historical Landmark.

Itinayo ito noong 1926 at muling itinayo noong World War II, 1949.

Ang National Museum ay mayrrong “conscientiously maintained and preserved the building as a historical structure of the highest importance” simula noong 1970s.

“Installed within its halls is the largest public assemblage of Philippine fine arts that can be accessed by Filipinos and tourists,” ayon sa ulat. Kris Jose