Nat’l Museum nagluksa sa pagkamatay ni “Kalibasib”

Nat’l Museum nagluksa sa pagkamatay ni “Kalibasib”

October 15, 2020 @ 3:24 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines-Nakiisa ang National Museum of the Philippines sa biodiversity conservation agencies sa pagdadalamhati sa pagkamatay ni “Kalibasib” (Kalikasan Bagong Sibol), ang pinakahuling captive-bred tamaraw na naging ‘conservation icon’ at ‘beacon of hope’ sa maraming conservationists.

Si “Kali” ay ipinanganak sa Tamaraw Gene Pool Farm sa Barangay Manoot, Rizal, Occidental Mindoro noong Hunyo 24, 1999.

Anak ito ng isa sa 20 adult tamaraw na dinala sa naturang pasilidad noong 1980, na nagsisilbing captive breeding program ng Department of Environment and Natural Resources para pangalagaan ang endemic Philippine tamaraw population.

Nabatid na pawang namatay na ang 20 adult tamaraws na bahagi ng programa, kabilang ang nanay ni Kali na si Mimi noong 2011.

Nangyari naman ang pagkamatay ni Kali, 21, noong Oktubre 10 kasabay ng Special Month for Conservation and Protection of the Tamaraw in Mindanao sa ilalim ng Proclamation No. 273 na nilagdaan noong 2002.

Ang mga tamaraw ang pinakamalaking endemic mammal sa Pilipinas subalit ito’y mas maliit kay sa mga kalabaw.

Ayon sa mga eksperto ang kanilang lifespan ay mula 20 hanggang 25 taon lamang.  RNT 


  •  
  •  
  •  

Loading...