Nat’l projects ikonsulta muna sa LGU – Gov. Garcia

Nat’l projects ikonsulta muna sa LGU – Gov. Garcia

March 19, 2023 @ 9:44 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa mga ahensya ng pamahalaan na nagbabalak magpatupad ng mga national project sa probinsya.

Sa inilabas na Memorandum No. 7 series of 2023 nitong Biyernes, Marso 17, na inilabas ng gobernador, nanawagan ito sa pamahalaan na makipag-ugnayan muna at siguruhin na makakasama ang local government units (LGUs) sa implementasyon ng mga proyekto.

Pinatungkulan ni Garcia sa kanyang pinakahuling memorandum ay ang mga pinuno ng agriculture, public works and highways, education, health, transportation, tourism, at environment and natural resources departments, kabilang ang Philippine National Police.

Dagdag pa, direktang inatasan ng gobernador ang mga ahensya ng pamahalaan na kumonsulta muna sa Provincial Government of Cebu bago magpatupad ng proyekto sa kanilang territorial jurisdiction.

Iginiit ni Garcia ang ilang probisyon ng Local Government Code (LGC) na inaatasan ang mga ahensya ng pamahalaan at opisina na isama ang LGU sa planning at implementation ng national projects.

“It is likewise the policy of the state to require all national agencies and offices to conduct periodic consultations with appropriate local government units, non-governmental and people’s organizations, and other concerned sectors of the community before any project or program is implemented in their respective jurisdictions,” bahagi ng memorandum. RNT/JGC