NATO makikialam sa Ukraine war sa paggamit ng Russia ng chemical weapon

NATO makikialam sa Ukraine war sa paggamit ng Russia ng chemical weapon

March 14, 2022 @ 8:10 AM 4 months ago


POLAND – Sinabi ni Poland President ni Andrzej Duda na maaaring papasok na sa digmaang Russia-Ukraine ang North Atlantic Organization kung gagamit na ang Russia ng chemical weapons.

Katwiran ni Duda, hindi na lamang Ukraine at Russia ang maaapektuhan kundi iba pang mga bansa dahil napakapanganib umano ang nasabing uri ng armas.

Mapipilitan umanong umaksyon ang NATO na hanggang ngayon, ayaw makialam sa digmaan dahil hindi miyembro ang Ukraine ng European Union at NATO.

Magkagayunman, patuloy naman ang pagsuplay ng mga bansang NATO, kasama ang United States ng mga malalakas na armas laban sa mga tropa, tangke at eroplano ng Russia na ngayo’y pinalawak na nang husto ang pag-atake sa Ukraine. RNT