Natumbang puno ng niyog gagamitin ng gov’t sa pagkukumpuni ng Odette-hit houses

Natumbang puno ng niyog gagamitin ng gov’t sa pagkukumpuni ng Odette-hit houses

January 11, 2022 @ 7:20 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Gagamitin ng pamahalaan ang mga nahugot na puno ng niyog  sa pagkukumpuni ng mga bahay na napinsala ng bagyong “Odette” noong isang linggo.

Inilahad ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na nakikipag-ugnayan na siya sa ilang ahensya ng pamahalaan kagaya ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang isaayos ang mga apektadong komunidad.

“Iyong TESDA nag-field din siya ng mga carpenters sa Siargao, iyon din po ang problema nila, walang materials,” ani Lorenzana nitong Lunes.

“Dahil kung mano-mano ‘yung paggawa ng lumber, Mayor, ay matagal. Matagal makapaggawa ng lumber ‘yung mga coconut trees saka ‘yung mga naputol na mga kahoy,” dagdag pa niya.

Batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos 1.1 milyong tahanan abg winasak ng bagyong Odette sa pagtama nito sa Visayas at Mindanao noong isang buwan.

Samantala, sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na itinalaga ang Shelter Cluster na pinangungunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) na pabilisin ang shelter assistance sa mga biktima ng bagyo.

“We will consolidate our recommendations, Mr. President, regarding the provision of shelter assistance through this Shelter Cluster,” ayon kay Jalad. RNT/SA