Naturalization ni Brownlee aprub na sa Kamara

Naturalization ni Brownlee aprub na sa Kamara

November 29, 2022 @ 5:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan na ngayong Martes ng  Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang naglalayong bigyan ng citizenship ng Pilipinas ang import ng Barangay Ginebra na si Justin Brownlee.

Sa pagboto ng 274-0-1, inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill 6224 na nagbibigay ng citizenship kay Brownlee, na nagpapahintulot sa kanya na maglaro para sa pambansang koponan ng basketball bilang naturalized na manlalaro.

Mula ng unang dumating sa bansa noong 2016, si Brownlee na ang naging import ng Ginebra sa PBA.

Tinulungan niya ang crowd favorites na manalo ng limang championship at dalawang beses siyang pinangalanang Best Import of the Conference.

May katulad ding panukala na inihain sa Senado at kasalukuyang naghihintay nang pag-arpruba.

Kapag ang kanyang naturalization ay pumasa sa parehong kapulungan ng Kongreso, ito ay ipapadala sa Opisina ng Pangulo para pirmahan at maging batas.

Inaasahang palakasin ni Brownlee ang Gilas Pilipinas frontcourt sa window ng Pebrero ng 2023 FIBA ​​Basketball World Cup Asian qualifiers sa kanilang laban sa Lebanon at Jordan.

Kasalukuyang may 5-3 win-loss card ang Pilipinas sa FIBA ​​World Cup qualifiers.RICO NAVARRO