Naturalization ni Brownlee, magpapalakas sa Gilas – Angara

Naturalization ni Brownlee, magpapalakas sa Gilas – Angara

December 12, 2022 @ 6:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Malaki ang paniniwala ni Senador Sonny Angara na malaking tulong sa pagpapalakas ng Gilas Pilipinas ang naturalization ni Justin Brownlee sa gaganaping sixth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero na magbibigay ng higit na kasiyahan sa Filipino.

Bilang awtor ng isa sa panukalang nagbigay ng naturalization ni Brownlee, sinabi ni Angara na nakadagdag si Brownlee sa national basketball team ng Pilipinas dahil maghahatid ito ng mas malalim at lakas kapag kumalaban sila sa Lebanon at Jordan sa Pebrero sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

“We would like to express our gratitude to our colleagues here in the Senate and the House of Representatives who gave their full support to the naturalization of Brownlee. After several years of playing as an import in the PBA, Brownlee has now deemed the Philippines as his second home and has demonstrated a strong desire to contribute to the country as a future player of our Gilas Pilipinas squad,” ayon kay Angara, chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Bukod kay Angara, naghain din ng hiwalay na naturalization bills sina Senador Ronald Dela Rosa, Bong Go, Angara at Joel Villanueva, na tinalakay kaagad ng Committee on Justice and Human Rights sa pamumuno ni Senator Francis Tolentino.

Sa Mababang Kapulungan, awtor ng naturang panukala sina Reps. Mikee Romero at Gus Tambunting. At si SBP Vice Chairman Robbie Puno ang isa sa mga co-authors ng panukala.

Inaprubahan ng Senado ang House Bill 6224, nang walang amendments, kaya’t mabilis na naipadala ang panukala sa Office of the President para lagdaan.

Kasama ngayon si Bronwlee sa naging Filipino na sina Utah Jazz star Jordan Clarkson at ang 6-foot-11 Ateneo Blue Eagles standout na si Ange Kouame n a kalahok sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup at sa hinaharap na tournament.

Mayroong limang PBA na titulo si Brownlee at dalawang best import, kaya’t ikinokonsidera itong all-time greatest imports ng liga at matagal pang magtatapos ang kanyang karera sa basketball.

“With Brownlee as part of Gilas, we will be able to maintain the momentum going into the sixth window of the FIBA World Cup Asian Qualifiers this February. Things are definitely looking up for Philippine basketball and with the right amount support, our resurgence in the world hoops stage could definitely become a reality sooner than later,” paliwanag ni Angara.

Nakatakdang mag-host ang Pilipinas kasama ang Indonesia at Japan sa 2023 FIBA World Cup, na magsisimula sa Agosto 25, 2023 at gaganapin ang pinal na yugto sa Maynila mula September 5 to 10, 2023.

Aniya, mayroong pondong nailaan sa naturang paliga sa 2023 national budget hinggil sa hosting ng Pilipinas sa FIBA World Cup.

Sinabi ni SBP chairman na malaking oportunidad ang naturang event para sa ilantad ng Pilipinas sa buong mundo na kung magkakasama-sama ang lahat ng malalaking basketball stars sa Maynila para sa FIBA World Cup.

“Each of these players are global brands in themselves and they will bring with them the fans from their respective countries, and their sponsors so the potential for tourism and business for the Philippines will be significant,” ani Angara. Ernie Reyes