Naturukan ng 2nd booster sa Maynila, higit 40K na

Naturukan ng 2nd booster sa Maynila, higit 40K na

July 12, 2022 @ 7:27 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa higit 40,000 doses ng COVID-19 second booster shot ang naipamahagi na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.

Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD) nitong Lunes, nasa kabuuang 42,181 ang nakatanggap na ng kanilang pangalawang booster shot habang 637,817 ang may unang booster dose, na pinapayagan para sa mga may edad na hindi bababa sa 12 taon at limang buwan pagkatapos makumpleto ang 1st at 2nd dose nila.

Ang Covid-19 second booster shot ay inaalok sa mga health care worker, senior citizen, at immunocompromised na nasa hustong gulang.

Nabatid sa MHD nasa nasa kabuuang 3,4812,339 na dosis ng bakuna ang kanilang naipamahagi habang nasa kabuuang 1,722,046 ang “fully vaccinated” o ganap na nabakunahan. Jay Reyes