Natutulog na cancer assistance fund pinaiimbestigahan sa Kamara

Natutulog na cancer assistance fund pinaiimbestigahan sa Kamara

August 19, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa 252 cancer patients ang namamatay kada araw.

Ito ang nakakaalarmang pahayag ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo kung saan hiniling nito sa House Leadership na magsagawa ng imbestigasyon sa paggamit ng state assistance funds para sa cancer care, kasunod na rin ng pagtaas ng kaso ng nagkakasakit at namamatay sa cancer.

Ayon kay Salo base sa 2020 report ay nasa 153,000 ang bagong cancer patients at nasa 92,000 ang cancer deaths o nasa 252 ang nasasawi kada araw, aniya, hindi biro ang nasabing bilang lalo at maraming pamilya ang hindi kayang tustusan ang gamutan para sa sakit na cancer.

Sa House Bill 252 na inihain ni Salo partikular nitong pinasisisilip sa Kamara ang budget para sa Cancer and Supportive-Palliative Medicines Access Program (CSPMAP) at Cancer Assistance Fund (CAF) sa ilalim ng National Integrated Cancer Control Program (NICCA).

Sinabi ni Salo na batay sa 2022 General Appropriation Act (GAA) ay nasa ₱786,956,000 pondo ang inilaan sa CSPMAP habang ₱529,200,000 ang sa CAF gayunpaman malaking pondo ng NICCA ang hindi pa rin nagagamit.

“With only four months remaining in 2022, the CSPMAP and CAF funds have yet to be utilized. These funds could have gone a long way in giving access to care and treatment for our countrymen afflicted with cancer, as well as their families who share in the financial burden of cancer treatment. We thus urgently need to inquire on the cause of unnecessary delays in the use of the CSPMAP and CAF funds,” paliwanag ni Salo.

Ani Salo ang mandato ng NICCA ay mabawasan ang namamatay sa sakit na cancer at mabigyan ng tulong na agad mapagamot ang mga cancer patients subalit taliwas ito sa sitwasyon sa bansa sa nakaraang mga taon kung saan lumobo pa ang cancer cases sa bansa kung saan mula 2014 hanggang 2019 ay nasa 354,398 ang prevalent cases.

“The main purpose of the NICCA is to greatly reduce mortality from preventable and treatable cancers and lessen out-of-pocket expenditures of patients and their families. If the funds for this program are not utilized, the law would be useless, and more lives will be put at risk. As it is, even if just one household member is diagnosed with cancer, the entire family is at risk of financial ruin. Thus, the government must be proactive and ensure the faithful implementation of our laws designed to curb the rising cases of, and deaths from, cancer in the country, and to extend financial assistance to patients and their families,” pagtatapos pa ni Salo. Gail Mendoza