Natutulog na kelot, ‘di na nagising sa salpok ng trak!

Natutulog na kelot, ‘di na nagising sa salpok ng trak!

July 13, 2022 @ 10:19 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi na inabutan ng liwanag ng umaga ang hindi pa kilalang lalaki na habang natutulog sa center island ng Delpan Bridge sa Binond, Manila nitong madaling araw ng Miyerkules ay nasalpok ng truck.

Ayon sa driver, nawalan ng kotrol ang minamaneho niyang sasakyan kaya hindi na niya naiwasan ang tulog na lalaki.

Himas-rehas naman ang driver ng truck na nahaharap sa kasong homicide at damage to property. Val Leonardo