NavoHimlayan binisita ng Valenzuela execs

NavoHimlayan binisita ng Valenzuela execs

September 17, 2022 @ 12:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinangasiwaan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ang isang benchmarking activity ng NavoHimlayan Crematorium, Columbarium at Funeral Chapel para sa pamahalaang Lungsod ng Valenzuela.

Malugod na tinanggap ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang pagbisita ni Valenzuela City Mayor Weslie “Wes” Gatchalian kasama ang kanyang 1Chief of Staff Architect Benjamin Gamaro, City Engineering Officer Engr. Rey Sunga, City Health representative Dr. Marilyn Liwanag at City Social Welfare and Development representative Marilou Capacillo.

Sa ikatlong taon ng NavoHimlayan mula ng itayo ito upang para maibsan ang kakulangan ng lugar nang paglilibingan ng mga namayapang residente ng lungsod ang funeral service nito ay para sa mga mahihirap na Navoteños.

Sa mensaheng sinabi ni Mayor Tiangco “Ang NavoHimlayan ay isang pangakong natupad ng lokal na pamahalaan na mangangalaga Navoteños mula sinapupunan hanggang sa paghihimlayan”.

“Death of a loved one is never easy. Aside from the pain of saying goodbye, there is the concern of funeral and burial costs. We want to take away this burden and help indigent grieving families,” ani Mayor Tiangco.

Mula taong 2008, ang pamahalaang lokal ay nagbibigay na ng Libreng Libing para sa mga mahihirap ng lungsod at kabilang sa nasabing programa ay ang libreng ataul, paglalamayan, cremation, abo at lapida at paggamit columbarium vaults at kung ang namayapa ay COVID-positive, free storage ng mga labi at pick-up services ay kasama.

Samantala, labis naman ang tuwa, paghanga at pagkilala si Mayor Gatchalian sa kanyang nakita kaya nagnanais rin itong magpagawa ng Crematorium, Columbarium at Funeral Chapel sa Valenzuela.

“Though it is not often discussed, the limited space for cemeteries in urban cities like ours is a recurrent problem. We cannot prevent death so we need to solve the issue of cemetery congestion to better serve our people,” ani Mayor Wes.

“We were told that if we want to build a crematorium in Valenzuela, we need to visit Navotas because you have one of the best facilities in Metro Manila and your services are considered exemplary,” dagdag pa ni Gatchalian.

Ang NavoHimlayan ay naglalaan ng cremation services, columbarium at funeral chapel rentals at ang city columbarium ay may 3,632 vaults na kayang ilulan hanggang 19,000 abo ng namayapa habang ang mga Navoteños na may kakayahan ang serbisyo ng NavoHimlayan ay pwede upahan ang columbarium niche sa loob ng 25 taon. R.A Marquez