Navotas, 7 sunod na nakakuha ng highest audit rating

Navotas, 7 sunod na nakakuha ng highest audit rating

July 19, 2022 @ 8:31 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling tumanggap ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas ng highest audit rating mula sa Commission on Audit (COA).

TINANGGAP nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang Commission on Audit report mula kay Percival Arlos, OIC-Supervising Auditor ng Navotas Auditing Unit. Ito ang pang-7th na sunod-sunod na taon na nakatanggap ng “unmodified opinion” ang pamahalaang lungsod mula sa Commission on Audit ito ang pinaka-mataas na rating ng COA. JOJO RABULAN

Sa audit report ng Commission Audit taong 2021, Navotas secured “unmodified opinion” para sa pitong magkakasunod na taon.

Tinanggap nina Congressman Toby Tiangco at Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang COA report mula kay Percival Arlos, OIC-Supervising Auditor of the Navotas Auditing Unit.

Pinasalamatan at pinuri ni Cong. Tiangco lahat ng departamento ng lokal na pamahalaan sa kanilang maayos at tapat na serbisyo sa mga Navoteños.

“The city government, will continue its brand of prudent spending and honest use of public funds”, ani ng magkapatid na Tiangco.

Binigyan ng Commission on Audit ng “unmodified opinion” ang government office o agency na nagprisinta ng financial position, financial performance at cash flows sa patas na paraan na naayon sa International Public Sector Accounting Standards. R.A Marquez