Navotas City, nakatanggap ng pinakamataas na marka mula sa COA

Navotas City, nakatanggap ng pinakamataas na marka mula sa COA

June 20, 2018 @ 3:30 PM 4 years ago


 

Navotas City – Sa ikatlong pagkakataon, nakatanggap ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pinakamataas na marka mula sa Commission on Audit (COA). Kung saan ay ginawaran ng COA ang lungsod ng “unqualified opinion” noong 2016, 2017 at ngayong taon kasalukuyan.

Ayon sa Independent Auditor’s Report na ibinigay kay Mayor John Rey Tiangco, ang ulat pinansyal ng lungsod para sa taong 2017, kasama ang financial position, financial performance at cash flows, ay maliwanang na naiprisenta sa lahat ng materyal na aspeto at maayos na nakasunod sa Philippine Public Sector Accounting Standards. (Jojo Rabulan)