Navotas City nasa ‘moderate risk’ na sa COVID-19

Navotas City nasa ‘moderate risk’ na sa COVID-19

January 29, 2022 @ 8:25 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ni Navotas City Mayor Tobias “Toby” Tiangco na ang kanilang lugar ay nasa ilalim na ng moderate risk for coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa independent research group OCTA, naitala ng Navotas ang ‘very low’ o 0.46 COVID-19 reproduction rate mula Enero 19 hanggang 25.

Nakita rin sa datos na ang Navotas ang may pinakamababang seven-day average ng karagdagang kaso sa Metro Manila na may katumbas na 45 at average daily attack rate (ADAR) na 16.63.

Nakita rin sa Navotas ang high-risk intensive care utilization rate (HCUR) na 7% at growth rate na -77%.

Samantala, nagpaabot din ng pagbati sa Tiangco sa mga residente ng Navotas sa patuloy na pakikiisa upang mabawasan ang kaso ng COVID-19 sa lugar. RNT/FGDC