Navotas, DA sanib-pwersa sa Kadiwa

Navotas, DA sanib-pwersa sa Kadiwa

December 3, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sabay na nilagdaan nina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Assistant Secretary for Consumer Affairs Kristine Y. Evangelista ang memorandum of agreement (MOA) na magbibigay sa Navotas ng P5,000,000 pondo na gugugulin sa pagpapatayo ng NavoBangka fiberglass boats para sa 30 rehistradong mangingisdang Navoteño .

Sanib-pwersa rin ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas at ang Department of Agriculture (DA) upang palakasin ang Kadiwa sa ilalim ng Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program. Jojo Rabulan