Navotas Greenzone Park, pinasinayaan

Navotas Greenzone Park, pinasinayaan

November 27, 2022 @ 9:05 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at kapatid nitong si Congressman Toby Tiangco kasama si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes ang inauguration at blessing ng Navotas Greenzone Park.

Ang 3,500 square meter park na makikita sa R-10 Road Brgy. Bangkulasi-North Bay Boulevard North (NBBN) at mayroon plant boxes, paved pathways, landscaping, bollards, lamp posts at mga area na kung saan pwede na magsama-sama ang iba’t-ibang pamilya upang kumain, magusap at mag-relax na parte ng programa ng MMDA Adopt-a-Park.

“Every year, the agency will set aside funds to support the development of parks for each LGU, and I discussed the idea of developing more open areas to Mayor Tiangco and the latter proposed to develop the open area in Brgy. Bangkulasi into a park for people to enjoy,” ani Chairman Artes.

Ang Greenzone Park ay dating abandonadong area na kung saan ang mga residente ay doon nagtatapon ng kanilang mga basura at ginagamit na chicken den ang lugar.

Hiniling naman ni Mayor Tiangco kay Chairman Artes na tulungan silang makapag-install ng free wireless fidelity (wi-fi) sa area upang magamit ng mga residente at makapag-enjoy.

Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Tiangco at Congressman Toby Tiangco sa MMDA at pinaalalahanan ng magkapatid ang mga residente ng Navotas na pangalagaan ng maayos at panatilihin na malinis ang nasabing parke. R.A Marquez