Navotas humakot ng samu’t-saring parangal sa DILG

Navotas humakot ng samu’t-saring parangal sa DILG

November 4, 2022 @ 6:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naiuwi ng lokal na pamahalaan lungsod ng Navotas ang multiple awards sa 2022 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR).

Tinanggap ng Navotas ang Ideal Level of Functionality para sa Local Council for the Protection of Children and Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children; High Functionality mark for its Anti-Drug Abuse Council at Functional rating for its Peace and Order Council.

Kinilala rin ang lungsod bilang Child-Friendly Local Government; top performer sa mga Informal Settler Families Cluster sa Manila Bay Clean-Up Rehabilitation at Preservation Program (MBCRPP) at highly compliant LGU sa MBCRPP habang ang Navotas ay first place rin sa Fisheries Compliance Audit (FishCA).

“We are honored and grateful for the appreciation of our work. We also thank each and every Navoteño for their continued support to the city government,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

“These awards only inspire us to keep improving our governance and providing better service to our people in order to improve their lives,” dagdag pa ng alkalde.

Mismong si Mayor Tiangco ang tumanggap ng award kasama sina City Planning and Development Officer Engr. Rufino M. Serrano; Navotas DILG OIC Director Jenifer G. Galorport habang naroon rin sina Dr. Vonne Villanueva, Special Assistant to the Navotas Anti-Drug Abuse Council chairperson and Disaster Risk Reduction and Management Officer; Cheney Gabriel, head of the City Agriculture Office; Engr. Janice Lacsamana, head of the City Environment and Natural Resources Office.

Samantala, idineklara naman na top 1 at Hall of Famer sa Local Revenue Generation ang lokal na pamahalaan ng Navotas.

“Napakasaya po natin dahil tayo po ang kauna-unahang lungsod na binigyan ng ganitong pagkilala ng Bureau of Local Government Finance,” paliwanag ni Mayor Tiangco.

Sinabi pa ng alkalde na malaking parte ang natanggap na award dahil sa suporta at maaga o on time na pagbabayad ng buwis habang ang pondo na nakalap ay gagamitin sa mga serbisyo at programang na ipagkakaloob sa mga Navoteño. R.A Marquez