Navotas LGU, DA magkatuwang sa pagpapalakas ng Kadiwa

Navotas LGU, DA magkatuwang sa pagpapalakas ng Kadiwa

November 26, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines- Sanib-pwersa ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas at ang Department of Agriculture (DA) upang palakasin ang Kadiwa sa ilalim ng Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita Financial Grant Assistance Program.

Personal na nilagdaan nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at DA spokesperson and Assistant Secretary for Consumer Affairs Kristine Y. Evangelista ang memorandum of agreement.

Sa ilalim ng MOA, tatanggap ang Navotas ng P5,000,000 na gugugulin nito sa pagpapatayo ng NavoBangka fiberglass boats para sa 30 rehistradong Navoteño fisherfolk.

Ang nakalipas na ipinagkaloob na tulong pinansyal ng Kadiwa mula sa DA ay ginamit na pambili ng mga lambat at iba pang gamit sa pangingisda at ipinamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryong mandaragat.

“Our fisherfolk also served as modern day heroes, especially at the height of the pandemic. While many establishments stopped operations, they continued to provide food on our table,” ani Mayor Tiangco.

“We want to give them as much support as we can to uplift their livelihood and help them secure a stable source of income,” dagdag pa ng alkalde.

Sumailalim naman ang mga benepisyaryo ng NavoBangka sa pagsasanay ng boat construction, repair, at maintenance mula sa  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Matapos ang pagsasanay, sila ay gumawa ng kanilang sariling bangka gamit ang mga materyales na inilaan ng pamahalaang lokal at iba pang gamit mula sa BFAR. R.A Marquez