Navotas magsasagawa ng ‘Kasalan ng Bayan’ sa Peb. 14

Navotas magsasagawa ng ‘Kasalan ng Bayan’ sa Peb. 14

February 8, 2022 @ 2:53 PM 8 months ago


Manila, Philippines  – Inanyayahan ng lokal na pamahalaang lokal ng Navotas ang mga nagnanais na magpakasal ngayong buwan Pebrero na gaganapin sa araw ng mga puso.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco sa mga Navoteño na 25 taong gulang pataas, at nakahanap na ng kanilang ka-forever, mga  nagsasama na ng 5 taon pataas, may mga anak at handa ng mag-“I Do,” ay pwedeng sumali sa Kasalang Bayan ng lungsod na gaganapin sa February 14,  2022.

Sinabing 40 na magkasintahan ang ikakasal ng  pamahalaang lungsod kung saan 20 sa kanila ang ikakasal ng alas-9:00 ng umaga sa Kapitbahayan Elementary School at 20 ng bandang alas-3:00 ng hapon sa NBBN Elementary School.

Upang makapag-apply ay kailangan na magtungo sa Local Civil Registrar’s Office sa 1st floor ng Navotas City Library, Lunes-Biyernes, 8am-5pm, dalhin ang sumusunod:

1. Certificate of No Marriage (cenomar) ng magkasintahan

2. Birth certificate ng magkasintahan

3. Birth certificate ng kanilang mga anak

Hanggang Pebrero 11, 2022 maaaring mag-apply sa programang ito kaya hinimok ni Mayor Tiangco na magparehistro at samantalahin na ng mga magsing-irog na maging ligal na ang kanilang pagsasama at maging malinis sa mata ng tao at Diyos ang kanilang pagsasama. (R.A Marquez)