Navotas magtatayo ng mas maraming school buildings

Navotas magtatayo ng mas maraming school buildings

October 8, 2022 @ 1:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang groundbreaking ng apat na bagong public school buildings sa Navotas.

Kabilang dito ang San Roque Elementary School, San Rafael Village Elementary School, at Kaunlaran High School na may four-storey building at walong silid-aralan.

Samantala, ang Dagat-dagatan Elementary School ay magkakaroon ng four-storey building na mayroong 12 classrooms.

Noong buwan ng Setyembre, sinimulan din ng lungsod ang konstruksyon ng apat na palapag sa tatlong public schools.

Sa pagbabalik ng face-to-face classes ngayong taon, inaasahan ni Mayor John Rey Tiangco na matatapos na ang konstruksyon ng mga paaralan.

“Education has always been our priority. As much as possible, we want to avoid classrooms getting overcrowded with the influx of students and to minimize shifting classes,” ani Tiangco.

“We hope to provide a conducive learning environment for students in Navotas to ensure that they would get the highest quality of education we can deliver,” dagdag ng alkalde.

Nakapagpatayo na ang Navotas ng 11 school buildings na may kabuuang 128 na silid-aralan ngayong taon.

Inaasahan pa ang dalawang paaralan at marami pang paaralan ang nakatakdang ipatayo ngayong taon. R.A Marquez