Ken, feeling senti sa pagbubuntis ni Rita!

June 28, 2022 @7:30 PM
Views:
5
Manila, Philippines – Just a day after Rita Daniella announced that she is pregnant, bumuhos ang tanong sa social media, “Sino ang ama?”
A lot of RitKen fans were hoping that it was Ken Chan who impregnated Rita pero aside from the latter denying it and telling people that it is a non-showbiz personality ay huminto na rin ang pag-asa ng fans.
Sa kabila ng mga hinala at tanong, nagbigay ng mensahe si Ken kay Rita sa pamamagitan ng isang tweet.
“To you and your baby, I’m here if you need anything, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support, and love to surround you and your baby.
“As a friend, as someone who cares, I’ll be here for you no matter what. I am so proud of you,” saad ni Ken sa kanyang tweet kasama ang photo ni Rita wearing a white dress, holding her baby bump.
Tinawag mang friend ni Ken si Rita, marami pa rin ang kinilig lalo’t bibihira ang ganitong uri ng friendship.
Naihalintulad pa nga ang dalawa sa relasyon nina Eric Santos at Angeline Quinto sa isa’t-isa.
Congrats, Rita.
For sure, like other celebrities, she is just waiting for the perfect time to introduce the father of her baby to the public.
Fans, be patient! Paula Jonabelle Ignacio
Hyun Bin at Son Yejin, magkaka-baby na; Netizens, excited sa gender reveal!

June 28, 2022 @7:15 PM
Views:
7
Seoul, South Korea – Nabulaga ang Crash Landing On You fans sa latest annoncement ng K-drama and real life couple na sina Hyun Bin at Son Yejin.
Magkaka-baby na kasi ang mag-asawa, three months after they got married.
Inanunsyo ito mismo ni Yejin sa kanyang Instagram account. She posted a photo of a plant with a flower and the caption went like this: “New life has come to us.
“Today, I’ll be careful and happy. A new life has come to us. I’m still shivering but I’m living it every day due to the changes in my body in the midst of worry and excitement.”
Obviously, iba ang excitement sa couple lalo na kay Yejin pero hindi nagpahuli sa pagkasabik ang fans.
They are all asking, “Kailan manganganak? Ilang months na si baby?”
Wala namang binanggit si Yejin tungkol dito pero mukhang kagaya ng pregnancy, they will announce it at the right time.
Unang nagkatrabaho sina Yejin at Hyun Bin sa 2018 crime film na The Negotiation, at mas lalong nakilala at sumikat when they reunite in 2019 sa Crash Landing on You. Paula Jonabelle Ignacio
Mandatoryong pagpapasok sa mga guro kahit tapos na ang school year, ‘new form of forced labor’ – ACT

June 28, 2022 @7:00 PM
Views:
27
MANILA, Philippines- Kinondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang mandatoryong pisikal na resporting ng mga guro sa paaralan kahit na tapos na ang official school year calendar, at tinawag itong “new form of forced labor.”
Pinuna ng ACT Philippines nitong Martes ang Department of Education (DepEd) matapos makatanggap ng mga ulat mula sa educators sa buong bansa na patuloy pa rin silang pinapapasok sa mga paaralan kahit na tapos na ang school year calendar ng DepEd.
“DepEd is using its questionable Memorandum 43 series of 2022, issued last May 10 to justify this new form of forced labor. This memo essentially extended work for teachers for them to report to school,” ani ACT Philippines chairperson Vladimer Quetua.
Habang 197 sa 209 class days ang nagamit sa school year dahil sa deklarasyon ng 12-day health break, naniniwala ang mga guro na sapat na ito upang maabot ang kanilang learning at teaching objectives.
“If DepEd insists that there is exigency of service, there should be an order approved by the division that teachers are required to report and there should be additional compensation or service credit for them,” giit ni Quetua.
Batay sa kalendaryo ng DepEd, Hunyo 24 ang huling araw ng school year 2021-2022. RNT/SA
Huling batch ng COVID vax galing US sa ilalim ng Duterte admin, dumating na sa Pinas

June 28, 2022 @6:48 PM
Views:
27
MANILA, Philippines- Natanggap na ng Pilipinas ang huling shipment ng COVID-19 vaccines mula sa United States government ilang araw bago matapos ang termino ng Duterte administration, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Martes.
Sinabi ni Galvez na ang mga bakuna na dumating nitong Lunes ay binubuo ng 299,520 doses ng Pfizer vaccines mula sa COVAX facility.
Nakalaan ito para sa mga menor, edad 12 taon pataas.
Ayon kay Galvez, pinapakita nito ang kagustuhan ng pamahalaan ng Estados Unidos na tulungan ang bansa na paigtingin ang national vaccination program at overall pandemic response nito.
Aniya pa, ipinapakita rin nito ang suporta ng US sa administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Now, this will be our last donation to be received during the Duterte administration and it only shows the support of the US and other allies to the next government,” sabi ni Galvez.
“Tuloy-tuloy ang suporta lalo na ang expired vaccines, papalitan nila. And we are thankful for that generosity,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan ay aabot na sa 245.3 milyong dosis ng COVID-19 vaccines ang natatanggap ng bansa. RNT/SA
Higit 792K Pinoy naturukan na ng 2nd COVID-19 booster

June 28, 2022 @6:36 PM
Views:
27