Navotas mayor nagpaalala sa pagpapadeliber ng pagkain, gamit

Navotas mayor nagpaalala sa pagpapadeliber ng pagkain, gamit

August 6, 2020 @ 2:50 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang mga residente na madalas magpadeliber ng mga order sa kani-kanilang bahay na mag-ingat lalo pa ngayong pandemya.

Anang alkade, maaaring sa pag-order ng mga item o kahit na mga pagkain ay maaaring magdulot ng virus tulad ng inihayag ng komedyanteng si Michael V.

“Sa mga mahilig po magpa-deliver ng pagkain, magsakripisyo po muna tayo. Hindi po natin alam kung paano ito inihatid. Tulad ng mga bagay o groceries, kung maaari natin itong i-disinfect para masigurong ligtas ito at walang virus. Kaya hanggang libre, lutong bahay po muna tayo. Mas masarap, mas matipid at mas ligtas, ”sabi ni Mayor Tiangco.

Pinayuhan din ng alkalde ang kanyang mga nasasakupan na huwag ipagsapalaran ang kanilang personal na kalusugan at ng kanilang mga pamilya at maiwasan ang labis na kumpiyansa. Roger Panizal


  •  
  •  
  •  

Loading...