Navotas Mayor positibo sa COVID

Navotas Mayor positibo sa COVID

January 3, 2022 @ 8:00 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Nagpositibo sa COVID si Navotas City Mayor Tobias “Toby” Tiangco at sasailalim sa two-week isolation period.

 “Ako po ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng aking nakaharap noong nakaraang mga araw at nakikiusap na obserbahan nang mabuti ang inyong kalusugan. Kung meron kayong nararamdamang kakaiba, sumangguni po agad so doktor,” ani Tiangco.

Patuloy aniyang babantayan at pangungunahan ang COVID response ng kanyang nasasakupan kahit pa naka-quarantine.

“Muli, pakiusap ko po sa lahat na maging doble o triple sa pag-iingat, gawin ang health at safety protocols, at magpabakuna o booster.” RNT/FGDC