Navotas mayor sa nasasakupan: Maging handa sa panahon ng sakuna

Navotas mayor sa nasasakupan: Maging handa sa panahon ng sakuna

July 29, 2022 @ 5:23 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga Navoteños na palaging maging handa sa anumang sakuna na maaaring tumama sa lungsod.

“Being a coastal city, Navotas is vulnerable to natural disasters. We need to prepare and empower our people through continuous awareness and education campaigns,” ani Tiangco.

Pinasinayaan nina Navotas Mayor John Rey Tiangco kasama ang mga konsehal ng lungsod ang pagbabasbas ng Staging Area ng Rescue Center na matatagpuan sa Brgy. North Bay Boulevard South Dagat-dagatan. Sa lugar na ito ilalagak ang mga kagamitan at rescue vehicles para sa mas mabilis na pagtugon ng Disaster Risk Reduction and Management Office sa oras ng mga sakuna at emergencies. JOJO RABULAN

“While calamities are fearsome, being caught off guard is more terrifying. We may not know when a disaster will strike, but being prepared helps ensure that lives and properties will be saved,” dagdag pa ng alkalde sa virtual forum na pinamagatang handa sa sakuna.

Ang ginanap na forum ay pinangunahan ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management kasabay sa isinagawang selebrasyon ng National Disaster Resilience Month.

Kabilang sa mga Resource speakers ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Geoscience and Disaster Risk Reduction Communication Specialist na si Charmaine Villamil, Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Public information Unit’s Information and Science Officer, Bernard Punzalan at Bureau of Fire Protection – Navotas Finance Unit Chief, SINSP. Glenn Mayugao.

“Aside from equipping our people with the knowledge on disaster preparedness and safety, we also strive to construct facilities and secure supplies and equipment necessary for effective disaster risk reduction and management,” paliwanag ni Tiangco.

Kamakailan, pinangunahan ni Mayor Tiangco ang inauguration at pagbabasbas ng inayos at pinagandang Navotas City Central Fire Station na itinayo pa noong 1971 na kumpleto ang kagamitan at handang-handa na humarap sa mabilis na pagresponde sa sunog o anumang sakuna na haharapin ng lungsod.

Kasama sa ginanap na inauguration sina Bureau of Fire Protection Director Louie S. Puracan, BFP-NHQ Director of Logistics CSUPT Vonrad Fernando B. Dobluis, BFP-NCR Regional Director CSUPT Gilbert D. Dolot, BFP-NCR District Fire Director SSUPT Pedro G. Balatero Jr., and City Fire Director SUPT Joel L. Diwata.

Isa rin sa binasbasan ang Navotas Rescue Center sa Brgy. NBBS Dagat-dagatan at ang nasabing pasilidad ay mayroon mga kagamitan at supplies na maaaring gamitin sa pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong.(R.A Marquez)