Navotas Mega Job Fair!

Navotas Mega Job Fair!

January 18, 2023 @ 11:09 AM 2 weeks ago


NAKAPANAYAM si Navotas Mayor John Rey Tiangco sa mga aplikanteng
nagtungo sa Mega Job Fair na bahagi ng selebrasyon ng 117th Navotas
Day.

Nasa 21 na mga kompanya ang nagbukas ng job opportunities para sa mga
Navoteño na naghahanap ng trabaho.

Mayroon ding booths ang mga government agencies tulad ng SSS,
PAG-IBIG, at PhilHealth para sumagot ng mga katanungan ng mga
aplikante. Sumailalim din ang mga aplikante sa Pre-employment Seminar
upang masiguro na sila ay handa sa pag-apply ng trabaho. JOJO RABULAN