Navotas mega projects, binisita ng mga potential investor

Navotas mega projects, binisita ng mga potential investor

March 31, 2022 @ 5:08 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Tiningnan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang mga disenyo ng Coastal Development at  Airport Support Services sa lungsod.

Kasama ni Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang mga representative ng San Miguel Corporation habang kinilala ng mga ito ang potential investors at kasamang binisita ang lugar na may 343-hectare ng Tanza Airport Support Services at 73.3-hectare Navotas Coastal Development.

Samantala, ibinahagi naman ni Mayor Tiangco ang disenyo ng Palafox Associates para sa nasabing megaprojects.

“The Tanza Airport Support Services will bring diverse opportunities for Navoteños. To prepare for this, we passed City Ordinance No. 2021-40 that requires new businesses in Navotas to hire at least 70% of its workforce from bonafide residents of the city,” ani Mayor Tiangco.

“Ang NAVOTAAS Institute ay magbibigay ng technical-vocational courses na kaugnay sa pangangailangan ng paglago ng industriya,” dagdag pa ng alkalde.

Sinabi naman ni Mayor Tiangco na ang Navotas Coastal Development ay kinabibilangan ng expressway patungo ng New Manila International Airport sa Bulacan na maaaring makita ang pinakamalaking socialized housing sa lungsod.

“We thank San Miguel Corporation for their trust and confidence in bringing in this big project and acceding to our request to include our biggest in-city housing. Some 3,480 families will have their new homes at the Navotas Coastal Development. Once completed, we will have a total of 7,167 housing units,” paliwanag ni Tiangco.

“Plinano at inihanda na namin ang mga proyektong ito sa loob ng ilang taon at masaya kami at nasasabik na ang mga planong ito ay malapit nang maisakatuparan sa tulong ninyo,” ani Cong. John Rey Tiangco.

Kasama sa pinuntahan ng grupo ang Navotas-Malabon River Floodgate, NavotaAs Homes 1 at 2-Tanza, Urban Vertical Farm at Sitio Pulo. R.A Marquez