Navotas nakapagtala ng pinakamababang COVID active cases ngayong taon

Navotas nakapagtala ng pinakamababang COVID active cases ngayong taon

May 17, 2022 @ 5:57 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ngayong araw ng Martes ng pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong 2022.

Tatlo pa ang natitirang COVID patients sa lungsod kasunod ng limang araw na zero daily case reports.

Pinasalamatan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Navoteños sa kanilang suporta at kooperasyon sa pagpapanatili sa laban sa  COVID-19 pandemic.

“Our sacrifices and continued vigilance have paid off. Congratulations to us all. Let us keep our defenses up. Continue to practice the health and safety protocols, and complete your vaccinates, including your booster doses,” paalala ng alkalde..

Huling naitala sa Navotas ang tatlong  active cases noong  December 18, 2021.

“Now that the Department of Health has confirmed the local transmission of the more contagious Omicron sub-variant, we must be more cautious and work harder to limit its possible spread and prevent any more surges,” dagdag ni Tiangco. R.A Marquez