Navotas nakapagtala ng pinakamababang kaso ng COVID

Navotas nakapagtala ng pinakamababang kaso ng COVID

November 25, 2021 @ 5:06 PM 3 days ago


NAVOTAS- Muli na namang nakapagtala ang Navotas ng pinakamababang tala ng aktibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Mula  sa 17 noong  Nobyembre 8, ang Navotas ay nakapag -ulat ng 14 aktibong kaso nitong Martes.

Ayon sa City Health Office,  108 swab test results ang natanggap  nito mula sa Philippine Red Cross, na pawang negatibo ang resulta.

“Wish granted. We’ve prayed and worked hard for our numbers to go down. This shows that all our efforts and sacrifices have borne fruit,” ani Navotas City Mayor Toby Tiangco.

“We cannot thank enough all our frontliners for their steadfast service to the city, and every Navoteño for doing their part in preventing the spread of COVID. Let us continue to keep each other safe by following the health protocols and getting ourselves vaccinated,” dagdag ng alkalde.

Ayon kay Tiangco sisimulan ng  Navotas ang  roll out ng  booster shots para sa mga  seniors at persons with comorbidity sa  Nobyembre 24.

Ang mga interesadong residente at mga empleyado ng  Navotas ay maaaring  magset ng kanilang  vaccination appointment sa  https://covax.navotas.gov.ph/

Hinikayat din ng alkalde ang mga magulang ng mga mag- aaral na nakatira sa  Navotas na pabakunahan ang mga anak.

“We allotted 450 slots for the sites intended for pediatric vaccination. Get your children ages 12-17 years old vaccinated soon so they will be ready once face-to-face classes start. To keep our students safe, we will allow only those who have received complete doses of COVID vaccine to join the classes,” paalala ni Tiangco. R.A Marquez