Navotas namahagi ng livelihood packages

Navotas namahagi ng livelihood packages

January 1, 2023 @ 9:57 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Namigay ng livelihood packages sa 80 Navoteños sa ilalim ng Angat Kabuhayan program ng NavotaAs Hanapbuhay Center ang lokal na pamahalaang Navotas.

Kabilang dito ang 30 senior citizens, 10 Persons with Disabilities (PWDs) at 20 na parents of child laborers at 20 ang displaced Overseas Filipino Workers (OFWs).

Hinimok ni Congressman Toby Tiangco ang mga benepisyaryo na sikaping mapalago at mapaunlad ang negosyo nang sa ganoon ay makabawi ang pamilya sa epekto ng ng COVID-19 pandemic.

“Although we no longer worry much about the pandemic, the effects of this global health crisis still linger and are especially evident in the country’s economic status. Our city government shall continue to provide more livelihood opportunities for Navoteño families,” ani Cong. Tiangco.

Pinili ang mga benepisyaryo base sa rekomendasyon ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA).

Iba dito ay nagsara ang mga negosyo kaya nawalan ng pinagkakakitaan dahil sa pandemya at ang mga benepisyaryo na sumailalim sa business planning seminar at nagsumite ng business plan sa mga napili sa pangkabuhayan package.

Naglunsad din ang NavotaAs Hanapbuhay Center ng entrepreneurship seminar upang makatulong sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

Ilan sa mga livelihood packages na ipinamahagi ay sari-sari stores, bigasan, food business, frozen goods, manicure at pedicure at paggawa ng dishwashing soap at kamakailan, 10 solo parents ang tumanggap ng livelihood packages sa ilalim ng Angat Kabuhayan Program. R.A Marquez