Navotas namahagi ng tulong sa ‘Odette” survivors

Navotas namahagi ng tulong sa ‘Odette” survivors

March 18, 2022 @ 1:58 PM 3 months ago


MANILA, Philippines-  Nagbigay ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ng cash aid sa limang local government units na napinsala ng Bagyong Odette.

Sa ilalim ng City Disaster Risk Reduction Management Office, halagang P1.5 milyon ang ibinigay sa mga opisyales ng Dapa, Surigao Del Norte; Ilog, Negros Occidental; Gingoog, Misamis Oriental sa mga lalawigan ng Dinagat Islands at Bohol.

“Although our budget and resources are also limited because of our two-year long battle with COVID-19, we are still fortunate that we have the capacity to help our fellow Filipinos in dire need of support and assistance,” ani Navotas City Mayor Toby Tiangco.

“Dati, tayo ang tinutulungan dahil binabaha tayo nang matindi. Ngayon, tayo na ang tumutulong sa iba at nagpapasalamat tayo sa bawat Navoteño dahil sa kanilang pakikiisa nang mabilis at malabanan ang pandemya, mas nagagamit natin ang pondo ng bayan di lang sa pagpaaangat ng buhay sa Navotas kundi sa pagtulong din sa kapwa natin Pilipinong higit na nangangailangan,” dagdag ng alkalde.

Tinamaan ng Bagyong Odette ang Pilipinas  noong Disyembre 2021 kung saan ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ang nakaranas ng matinding pinsala.

Taong 2014, sa ilalim ng panunungkulan ni Navotas representative John Rey Tiangco, nag-donate ang lungsod ng P2 milyon sa dalawang coastal municipalities sa Eastern Samar na nakapinsala sa Bagyong Yolanda. R.A Marquez