Navotas Pandemic Recovery Assistance program aprubado na ni Mayor Tiangco

Navotas Pandemic Recovery Assistance program aprubado na ni Mayor Tiangco

December 14, 2021 @ 2:00 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nilagdaan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance #2021-63 ang Navotas Pandemic Recovery Assistance Program.

Sa nilagdaang ordinansa, ang mga non-delinquent taxpayer’s o ang mga nagbabayad sa tamang araw ng buwis ay bibigyan ng diskwento sakaling mabayaran ang kanilang 2022 taxes.

Mabibigyan sila ng 5% discount sa lahat ng real property taxes, business taxes at fees, maliban para sa barangay business clearance at fire safety inspection fees na direktang binabayaran sa mga barangay at sa Bureau of Fire Protection Lahat ng local taxes, regulatory fees at service charges, kabilang ang city parking fees ay mabibigyan ng parehong konsiderasyon.

“We would like to thank and give back to the individual and business taxpayers who pay their dues promptly even during this difficult time. For our city to continue giving adequate services, we need our people’s support, especially their faithful and timely payment of taxes,” ani Mayor Tiangco.

Kabilang sa tax immunity ang lahat ng rehistradong negosyo na ang kinita noong 2021 ay hindi lumagpas sa P120,000; tricycle at pedicab drivers at operators, maliban sa non-Navoteños na may supervision permit at rehistradong mangingisda o mandaragat na may maayos na rekord at walang napabayaang bayarin habang ang mga in-city housing beneficiaries ay bibigyan ng isang buwan para bayaran ang kanilang buwanang maintenance fees.

Ang Navotas Pandemic Recovery Assistance Program ay bahagi ng economic recovery measures ng lungsod upang maibsan ang idinulot ng pandemya sa mga Navoteño na nagbabayad ng buwis.

Inilaan ang Navotas Pandemic Recovery Assistance Program para sa mga nagbabayad ng tamang buwis bago ang deadline na pinalawig ng Navotas City Revenue Code at kamakailan ay nagbigay ang Navotas ng tax amnesty sa ilalim ng General Pandemic Amnesty Program.

Samantala, sa ilalim ng programa ang multa, interests, surcharges at additional fees mula January 2020 – December 2021 sa lahat ng hindi nabayarang local taxes, regulatory fees at service charges ay malinis na basta mabayaran ng taxpayers ang kanilang buwis mula January — June 30, 2022. R.A Marquez